NUEVA ECIJA ODD FELLOWS LODGE NO. 38, GINAWARAN NG PAGKILALA NG SDO DEP-ED SAN JOSE CITY!
Tinanggap ng Nueva Ecija Odd Fellows Lodge No. 38 ang pagkilalang iginawad ng Department of Education- San Jose City noong Nobyembre 26, 2022. Iginawad ng DepEd San Jose City ang nasabing pagkilala dahil sa hindi matatawarang dedikasyon ng Lohiya 38 sa pagtulong sa mga kabataang mag-aaral ng nasabing distrito. Kung matatandaan, naging aktibo nga ang Lohiya 38 sa pamimigay ng tulong sa mga kabataan gaya ng libreng pamamahagi ng mga batayang gamit sa kanilang pag-aaral kahit pa mayroong presensiya ng Covid-19 noong nakaraang taon. Hindi lamang sa larangan ng edukasyon aktibo ang kapatirang pinamunuan ni PG Francis Joshue Omega C. De Guzman. Sa kanyang pamumuno, nagawa ng organisasyong bisitahin ang mga bahay-ampunan at mamahagi ng ayuda para sa mga hikahos nating kababayan. "An Odd Fellow believes life is a commitment to improve and elevate the character of humanity through service and example," pahayag ni PG De Guzman. Tunay ngang isinasabuhay ng Nueva Ecija Odd Fellows Lodge...